Buhay Langgam

on

Isang umaga ng maraming langgam...

Matapos ang mapaghimagsik na ulan
Mga langgam ay naglabasan
Kami’y nagulat
Nang sa aming mesa’y sila’y nagkalat

Agad kaming nabahala
Ayaw namin itong lumalala
Kagyat kami’y naglinis
Upang sila’y tumalilis

Akala ko’y dito na magtatapos
Papel ni munting langgam na sa laki ay kapos
Ngunit hindi pala
Pagkat pantas ay nabahala

Siya’y nagtanong
Kung bakit langgam ay nagkalong
Sa kanyang mesa
Na dati kong ginawang silya

Ako’y sumagot
Sa aking patnugot
Aking nabatid
Mga nakaraang ulan ang nagbatid
Ngunit ako’y nagitla
Namangha at natulala
Nang siya’y humirit
Si langgam ay pinipilit
Na humanap ng pagkain
Sa panahong basa at ambunin

Ako tuloy ay nagtanong

Siya kaya’y langgam noon
O sadyang fan lang
Ni Lola Basyang.
sa panulat ng isang butihing kaibigan.

2 comments:

introvertpsych said...

i knew it... i know who wrote this...

aysa said...

hehehe..kilalang kilala mo cya...hehehe