Buhay Langgam
Isang umaga ng maraming langgam...
Matapos ang mapaghimagsik na ulan
Mga langgam ay naglabasan
Kami’y nagulat
Nang sa aming mesa’y sila’y nagkalat
Agad kaming nabahala
Ayaw namin itong lumalala
Kagyat kami’y naglinis
Upang sila’y tumalilis
Akala ko’y dito na magtatapos
Papel ni munting langgam na sa laki ay kapos
Ngunit hindi pala
Pagkat pantas ay nabahala
Siya’y nagtanong
Kung bakit langgam ay nagkalong
Sa kanyang mesa
Na dati kong ginawang silya
Ako’y sumagot
Sa aking patnugot
Aking nabatid
Mga nakaraang ulan ang nagbatid
Ngunit ako’y nagitla
Namangha at natulala
Nang siya’y humirit
Si langgam ay pinipilit
Na humanap ng pagkain
Sa panahong basa at ambunin
Ako tuloy ay nagtanong
Siya kaya’y langgam noon
O sadyang fan lang
Ni Lola Basyang.
sa panulat ng isang butihing kaibigan.
Matapos ang mapaghimagsik na ulan
Mga langgam ay naglabasan
Kami’y nagulat
Nang sa aming mesa’y sila’y nagkalat
Agad kaming nabahala
Ayaw namin itong lumalala
Kagyat kami’y naglinis
Upang sila’y tumalilis
Akala ko’y dito na magtatapos
Papel ni munting langgam na sa laki ay kapos
Ngunit hindi pala
Pagkat pantas ay nabahala
Siya’y nagtanong
Kung bakit langgam ay nagkalong
Sa kanyang mesa
Na dati kong ginawang silya
Ako’y sumagot
Sa aking patnugot
Aking nabatid
Mga nakaraang ulan ang nagbatid
Ngunit ako’y nagitla
Namangha at natulala
Nang siya’y humirit
Si langgam ay pinipilit
Na humanap ng pagkain
Sa panahong basa at ambunin
Ako tuloy ay nagtanong
Siya kaya’y langgam noon
O sadyang fan lang
Ni Lola Basyang.
sa panulat ng isang butihing kaibigan.
2 comments:
i knew it... i know who wrote this...
hehehe..kilalang kilala mo cya...hehehe
Post a Comment