Himig Kaibigan

on

... Lumilipas ang panahon
… Bakit Kailangang lumipas?

Sumisinghap-singhap
Dulot ng usok na tila ulap
Binabagtas ang daanan
Di alam ang patutunguhan

Sukbit ang kanyang bag
Sa katawang laman ay isip at pusong hungkag
Di pansin ang paligid
Kahit singaw ng matinding init

Batid ang ngiti sa kanyang labi
Tila sa isip ay may hinahabi
Tila may sinamsambit
Na mumunting tinig

Paulit-ulit ang kanyang sinasambit
Animo’y himnong nakakaakit
Hindi ko ito maulinig
‘Ka’ ang una kong nadinig

Patuloy ang kanyang paglakad
Sa matarik at kalsadang patuloy na lumalapad
‘Ibig’ and sunod kong narinig
Mga pantig na animo’y malambing na himig

Patuloy parin ang pagbagtas
Walang kamalay malay na may tumalalas
Tumalilis… Kay Bilis…
Nahagip… Kay Bilis… O Kay Bilis…

Lupang dating nilalakaran
Siya na ngayon nyang hihimlayan
Nakatingin sa langit… kanyang sinambit
Sa Wakas… Ka… Ibig… an.

--anonymous

0 comments: